MANILA, Philippines- Pinag-iingat ng CICC o Cybercrime Investigation Coordinating Center ang publiko sa mga insidente ng online scam.
Ayon kay CICC Executive Director Usec Alexander Ramos, target ng panloloko ang mga netizen na naghahanap ng karelasyon sa pamamagitan ng chat o love scam.
Aniya, makikipagkaibigan muna sa simula pero kalaunan ay malilipat sa mga isyu ng pera ang usapan.
Kadalasan ay ang pangungutang o kaya naman ay paghingi ng tulong gayundin ang pagpasok sa investment.
Sinabi ni Ramos na dapat mag-ingat ang publiko sa mga alok na pamumuhunan.
Binalaan din ng CICC ang publiko sa pag-click ng mga link na padala mula sa text messages at chat
Maaari kasi aniyang humantong ito para ma-hack ang account ng biktima, makuha ang kanyang personal na impormasyon at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden