Home NATIONWIDE #OpenBicam campaign ng Kamara inaasahang aani ng suporta

#OpenBicam campaign ng Kamara inaasahang aani ng suporta

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Kamara na lalawak ang suporta mula sa ibat ibang sector ang #OpenBicam campaign ni Leyte Rep Martin Romualdez na naglalayong ibukas sa publiko ang pagtalakay sa 2026 national budget sa ngalan na rin ng transparency.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng House of Representatives, buo ang suporta ng mga mambabatas sa kampanya na ito ni Romualdez at ganun din ang kanilang inaasahan sa mga lider ng mga institusyon.

Ang deliberasyon sa pambansang budget ay nagsisimula pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) a July 28.

Ang OpenBicam campaign na isinusulong ng Kamara ay ang bicameral conference committee na isinasagawa ng Kamara at Senado, ito ang nagsisilbing huling yugto ng pagdedesisyon matapos maipasa ng Kamara at Senado ang magkahiwalay na bersyon ng General Appropriations Bill.

Binigyang-diin ni Abante na hindi na bago sa Kamara ang transparency.

“Kahit naman na nung mga previous Congresses naging layunin na rin ng House of Representatives especially under the leadership of Speaker Martin Romualdez na yung budget maging transparent,” ani Abante.

Ang budget briefing ng Kamara ukol sa budget ay napapanood nang live at bukas sa publiko subalit ang Bicam ay hindi kaya ito ang syang itinutulak ni Romualdez.

“Transparency and accountability must be the cornerstones of the budget process. We passed key accountability measures. Now we must build on that momentum by opening the most sensitive and final stages of the legislative process to the Filipino people,” nauna nang pahayag ni Romualdez. Gail Mendoza