MANILA, Philippines- Naibalik na ng tatlong lokal na bangko na naapektuhan ng global Microsoft outage ang digital channels ng mga ito.
Inanunsyo ng Metropolitan Bank and Trust Co. (Metrobank), BDO Unibank, at Land Bank of the Philippines na balik-normal na ang operasyon ng online banking services nito.
Sa isang Facebook post nitong Biyernes ng gabi, nagpasalamat ang Metrobank sa pasensya ng mga kliyente nito, at inihayag na: “All our online bank channels are now available to serve you.”
Gayundin, tiniyak ng BDO sa customers, “We have successfully restored BDO’s Digital Channels. Thank you for your patience.”
Kinumpirma naman ng state-run Land Bank of the Philippines ang pagbabalik ng digital channels nito: “All LANDBANK digital channels are back online.” RNT/SA