MANILA, Philippines – Simula Marso 26, 2025, palalawigin ng LRT-1 ang oras ng operasyon nito ng 30 minuto tuwing weekdays. Ang huling tren mula Dr. Santos Station ay aalis ng 10:30 p.m., habang ang huling tren mula Fernando Poe Jr. Station ay aalis ng 10:45 p.m.
Mananatili ang unang biyahe sa 4:30 a.m. tuwing weekdays at 5 a.m. tuwing weekends at holidays.
Ayon kay LRMC President at CEO Enrico Benipayo, tugon ito sa panawagan ng Department of Transportation na palawigin ang serbisyo nang hindi naapektuhan ang maintenance.
Pinapayuhan ang mga pasahero na magplano nang maaga, dahil magsasara ang ticket booths limang minuto bago ang huling biyahe. RNT