Home NATIONWIDE DepEd: Graduation rites ‘wag politikahin

DepEd: Graduation rites ‘wag politikahin

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng DepEd ang mga paaralan na huwag makilahok sa electioneering o partisan political activities sa graduation at moving-up ceremonies para sa SY 2024-2025.

Naglabas si Education Secretary Sonny Angara ng memorandum na nagbabawal sa ganitong aktibidad, alinsunod sa umiiral na mga patakaran. Itinakda ng DepEd ang pagtatapos ng taon sa Abril 14-15 para sa Kindergarten, Grade 6, Grade 10, Grade 12, at mga mag-aaral ng ALS.

Binigyang-diin ng ahensya na dapat maging simple at makahulugan ang mga seremonya, nang walang labis na gastusin o marangyang lugar. Hindi maaaring mangolekta ng kontribusyon ang mga paaralan, at dapat manggaling sa MOOE ang lahat ng gastusin. Inirekomenda rin na gawin ang mga aktibidad sa maaliwalas na panloob na lugar upang maiwasan ang matinding init.

Binati ni Angara ang mga nagsipagtapos at muling tiniyak ang pangako ng DepEd na ihanda ang sistema ng edukasyon para sa hinaharap, na nakatuon sa kalidad ng edukasyon at mabuting pamamahala. Santi Celario