Tiniyak ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang 6.8 magnitude na lindol sa New Zealand ngayong Martes ng umaga.
“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa abiso ng PHIVOLCS.
Naitala ang lindol sa kanlurang baybayin ng South Island sa lalim na 10 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, batay sa datos, walang banta ng mapanirang tsunami at ang abiso ay para sa kaalaman lamang. Santi Celario