MANILA, Philippines – Balik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) nitong hapon ng Miyerkules, Setyembre 11 matapos makaranas ng power supply problem at maantala ang operasyon nito umaga ng kaparehong araw.
Alas-12:30 ng hapon ay sinabi ng pamunuan ng LRT-2 na balik na sa normal ang operasyon ng tren mula Recto patungong Antipolo at pabalik.
“LRT Line 2 operations are back to normal. There are trips from Recto Station to Antipolo Station and vice versa,” sinabi ng pamunuan ng LRT 2.
Nagsimulang maantala ang operasyon ng LRT-2 bandang 7:30 ng umaga. RNT/JGC