Home NATIONWIDE Cassandra Ong nakalabas na ng ospital

Cassandra Ong nakalabas na ng ospital

MANILA, Philippines – Nakalabas na ng ospital si Cassandra Ong, ang documented authorized representative ng Lucky South 99 Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm, ayon kay
House Secretary General Reginald Velasco nitong Miyerkules, Setyembre 11.

Ani Velasco, si Ong ay nasa maayos nang kondisyon at pwede nang humarap sa mga pagdinig ng Kamara kaugnay sa mga krimen sangkot ang POGO companies.

Sa ulat mula kay House of Representatives Medical Director Dr. Louie Bautista, idinagdag ni Velasco na si Ong ay nakalabas na ng ospital nitong Martes ng hapon, Setyembre 10 at ligtas na naibalik sa Kamara kung saan siya ay ‘under custody’ dahil sa contempt order sa paulit-ulit nitong hindi pagdalo sa mga patawag sa imbestigasyon.

“The House is happy to report that she has recovered with the treatment she received from the hospital and with all the diagnostic procedures she had, our in-house medical personnel can be fully prepared to handle any other medical condition she might have as she continues to appear in the QuadCom hearings,” ani Velasco.

“She will serve out the rest of her [30-day detention] contempt sentence at the House detention facility,” saad pa sa ulat.

Matatandaang isinugod sa ospital si Ong noong Setyembre 4 dahil sa mababang blood pressure.

Si Ong ay nahaharap sa mga reklamong money laundering at qualified trafficking charges. RNT/JGC