Home NATIONWIDE Turismo mas lalago sa Manila-Paris direct flight – DOT

Turismo mas lalago sa Manila-Paris direct flight – DOT

MANILA, Philippines – Makaraang ihayag ng Department of Transportation (DOTR) ang pagbubukas ng direct flight sa pamamagitan ng Air France-KLM, naniniwala naman ang Department of Tourism (DOT) na makakadagdag sa paglago ng ekonomiya ang bubuksang direct flight mula Manila patungong Paris at London.

Ayon sa DOTr, ang direct flight ay magpapagaan sa mga Pilipino sa kanilang paglalakabay ng non-stop mula Pilipinas hanggang Paris at vice versa.

Sa panig naman ni Tourism Sec. Christina Garcia Frasco, sa pamamagitan ng pagtitiwala ng Air France sa merkado ng Pilipinas, inaasahan din na lalago ang turismo at trabaho sa bansa.

Sa ngayon ay nasa Top 8 ang arrival ng mga European tourist sa bansa at posibleng tumaas pa ito.

Ang mga tourist destination na posibleng puntahan ng European tourist ay ang Cebu, Palawan, Siargao, Batangas, Bohol at Negros Oriental. Jocelyn Tabangcura- Domenden