MANILA, Philippines – Pansamantalang limitado ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa biyahe mula Recto hanggang Araneta Center-Cubao stations dahil sa problema sa kable ng kuryente, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Biyernes ng umaga.
Sa abisong inilabas bandang 6 a.m., sinabi ng LRTA na dulot ng nasirang catenary wire ang pagpapatupad ng provisional service.
Pinapayuhan ang mga pasahero na subaybayan ang social media pages ng LRTA para sa karagdagang anunsyo. RNT