MANILA, Philippines – Pansamantalang ititigil ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang operasyon simula Huwebes Santo, Abril 2 hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5, para sa taunang maintenance activities, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Lunes, Marso 16.
Sa abiso ng LRTA, magkakaroon pa rin ng regular na operasyon sa Miyerkules Santo, Abril 1.
Matapos ang apat na araw na suspensyon ng operasyon, muling magbabalik ang operasyon ng LRT-2 sa Lunes, Abril 6, sa ganap na alas-5 ng umaga.
Inanunsyo rin ng Manila Metro Rail Transit 3 na ititigil ang operasyon nito mula Abril 2 hanggang Abril 5 para sa taunang maintenance activities tuwing Semana Santa. Jocelyn Tabangcura-Domenden