MANILA, Philippines – Pansamantalang naantala ang operasyon ng MRT-3 ngayong Martes ng umaga, Hunyo 17, dahil sa nasunog na wire.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang nasusunog na wire ay “reported at a post in between the stations of Cubao and Santolan Southbound” bandang 7:36 ng umaga.
“As a safety precaution, all trains were instructed to stop at their nearest station platforms,” dagdag pa.
Pagsapit ng alas-8 ng umaga, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na ang maintenance team ay “already on site for assessment and necessary intervention.”
Pagsapit naman ng 8:13 ng umaga ay nagbalik na sa normal na operasyon ang lahat ng mga tren.
“We apologize for the inconvenience and thank you for your understanding,” pagtatapos nito. RNT/JGC