Home NATIONWIDE Operasyon ng PCSO gustong palawigin ni Imelda Papin hanggang weekend

Operasyon ng PCSO gustong palawigin ni Imelda Papin hanggang weekend

MANILA, Philippines – Nais ni newly appointed acting member ng Board of Directors of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Imelda Papin, na palawigin ang operasyon ng ahensya kahit weekends.

“Although I already announced it after the oath-taking, yung aking gusto kong ipaabot sa board at maapurubahan itong isang linggong serbisyo,” pahayag ng singer-turned-politician sa isang public briefing nitong Biyernes, Hunyo 7.

Ani Papin, ito ay upang mas palawigin din ang medical assistance ng PCSO sa mas marami pang tao.

“Ano po, ang ibig ko po sabihin dito, since ang ating trabaho ay magmula Lunes hanggang Biyernes, dadagdagan natin ng Sabado hanggang Linggo yung po ang ating gagawin. So parang walang tulugan, talagang trabaho ang gagawin natin,” paglilinaw ni Papin.

Binanggit na umano niya ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang oath-taking ceremony noong Martes.

Natuwa at pumayag naman si Marcos sa ideyang ito.

“We’ll see to it that we’ll be going around the Philippines at talagang aalamin natin, siguro makakatulong ako ng malaki. Dahil, siyempre, I’ve been serving my province for the past nine years,” aniya.

“We’ll see to it that we have to act fast and reach out to so many recipients as possible. Our focus will be on health, because health is wealth,” dagdag pa ni Papin.

Dahil dito ay nais pa niya ang mas maraming health-related programs kabilang na ang mga caravan at medical mission. RNT/JGC