Home NATIONWIDE Operator ng bus na nakaaksidente sa Espanya, Maynila pinatawag ng LTFRB

Operator ng bus na nakaaksidente sa Espanya, Maynila pinatawag ng LTFRB

1
0

MANILA, Philippines – Pinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng passenger bus na sangkot sa nakamamatay na aksidente sa España Boulevard, Sampaloc, Manila noong Setyembre 11.

Isang senior citizen ang nasawi habang walo pa ang nasugatan sa insidenteng kinasangkutan ng magkakasunod na banggaan ng mga sasakyan.

Ayon kay LTFRB Acting Chairperson Greg Pua, kailangang ipaliwanag ng bus operator kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang Certificate of Public Convenience (CPC) nito.

“Both cases are in violation of the existing CPC conditions, one for not ensuring the road worthiness of the public utility vehicle, and the other one is employment of a reckless driver,” ani Pua.

Inatasan din ang operator na magdala ng mga kinakailangang dokumento kaugnay ng roadworthiness ng bus. Isasagawa rin ang mga kinakailangang pagsusuri upang matukoy kung nasa impluwensiya ng anumang substance ang driver nang mangyari ang aksidente.

Nakatakda ang pagdinig ng LTFRB sa Setyembre 17, 2026 para matukoy ang nararapat na parusa.

Inatasan din ang Regional Franchising and Regulatory Office-NCR na tiyaking saklaw ng insurance ang mga biktima.

Ayon sa LTFRB, makatatanggap ng P400,000 ang bawat nasawi at P100,000 naman ang bawat nasugatan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here