via 8th Infantry "Dependable" Battalion, Philippine Army FB Page
AGUSAN DEL SUR, Philippines – Ayon sa militar, patay ang kinilalang si Bonifacio Lutawan (alias “Tado”), commanding officer ng Regional Operational Command ng NPA sa North Central Mindanao, sa engkwentro sa Sitio Tacocon, Barangay Kasapa II, La Paz, Agusan del Sur noong Linggo.
Kasama sa labanan ang mga rebelde mula sa karatig na Bukidnon, ngunit walang naiulat na casualty sa gobyerno, ayon sa 8th Infantry Battalion.
Narekober din ng tropa ang isang M653 rifle sa lugar. Kumpirmado ang pagkakakilanlan ni Lutawan sa pamamagitan ng mga dating rebelde. Patuloy pa rin ang operasyon ng militar. RNT/MND