Home NATIONWIDE Opisyal ng PCG sa Zamboanga Sibugay itinumba

Opisyal ng PCG sa Zamboanga Sibugay itinumba

209
0

MANILA, Philippines — Isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin nitong Huwebes ng gabi, Enero 15 sa national highway sa Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang biktima na si Lt. (JG) Glennick Ytang, 32, residente ng Barangay Cabantian, Davao City, at commander ng Coast Guard Ipil Sub-Station.

Ayon kay Ipil Police Chief Major Marjan Sali, natagpuan ang biktima sa loob ng kanyang pickup truck, nasa driver’s seat, at nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, kaliwang kamay at dibdib na agad niyang ikinamatay.

Batay sa paunang imbestigasyon, kakabalik lamang ni Ytang sa kanyang sasakyan matapos bumili ng kape sa kalapit na tindahan at may kausap umano sa cellphone nang lapitan at pagbabarilin ng suspek.

Mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng RT Lim matapos ang pamamaril.

Narekober sa crime scene ang dalawang bala at anim na basyo ng kalibre 9mm.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen habang kinokolekta ang CCTV footage mula sa mga kalapit na establisyemento upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at posibleng mga kasabwat nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here