Home HOME BANNER STORY Orange rainfall warning ibinabala sa Metro Manila, 5 iba pang lugar

Orange rainfall warning ibinabala sa Metro Manila, 5 iba pang lugar

2
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang PAGASA ng orange rainfall warning sa Metro Manila at lima iba pang lugar ngayong hapon ng Biyernes, Hulyo 10 dahil sa Habagat na pinalakas ng Bagyong Inday.

Sa ulat nitong alas-5 ng hapon, nasa ilalim ng Orange Rainfall Warning ang Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Rizal at bahagi ng Batangas (Laurel, Lian, Nasugbu, Talisay, Tuy, Calaca, Lemery, Agoncillo, Balayan, Calatagan).

Posible ang mga pagbaha sa naturang mga lugar.

Nasa ilalim naman ng Yellow Rainfall Warning ang Laguna, Pampanga, Bulacan, Quezon (Lucban, Tayabas, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, General Nakar, Real, Infanta) at Batangas (San Juan, Lobo, Rosario, Taysan, Padre Garcia, Lipa, Santo Tomas, Malvar, Batangas City, Ibaan, San Jose, Cuenca, Mataasnakahoy, Balete, Tingloy, Mabini, Bauan, San Pascual, Tanauan, Alitagtag, San Nicolas, Taal, Santa Teresita, San Luis).

Posible rin ang pagbaha sa mga flood-prone areas.

Habang nakakaapekto naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may occasional heavy rains sa Tarlac (San Jose, Mayantoc, Capas, Bamban, Concepcion), Nueva Ecija(General Tinio, Palayan, Laur, Gabaldon, Penaranda, Santa Rosa, Cabanatuan, Gapan, San Leonardo) at Quezon (Mauban, Pagbilao, Sampaloc, Agdangan, Alabat, Atimonan, Buenavista, Calauag, Catanauan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Macalelon, Padre Burgos, Perez, Pitogo, Plaridel, Quezon, Tagkawayan, Unisan) at maaaring tumagal ng tatlong oras. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here