Home NATIONWIDE Organizer ng Trillion Peso March umaasa, marami pa ring pupunta sa kabila...

Organizer ng Trillion Peso March umaasa, marami pa ring pupunta sa kabila ng ‘protest fatigue’

168
0

MANILA, Philippines – Umaasa pa rin ang mga organizer ng Trillion Peso March sa kabila ng “protest fatigue” kasunod ng iba’t ibang kilos-protesta laban sa korapsyon sangkot ang flood control projects.

Matatandaan na noong nakaraang taon kasi ay dumagsa ang taumbayan sa mga kalsada para magkilos-protesta, matapos mabunyag ang iba’t ibang iskandalo na may kaugnayan sa proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay Kiko Aquino-Dee, organizer, “all systems go” na para sa ikatlong bugso ng anticorruption protest sa Miyerkules, Pebrero 25, na sakto sa ika-40 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.

Idinagdag pa ni Aquino-Dee na itutuloy nila ang ikatlong kilos-protesta ng Trillion Peso March para sa mga taong hindi pa rin napapagod na ipanawagan ang kanilang pagkadismaya.

“I understand that there are people who feel that way,” sinabi ni Aquino-Dee.

“If the people have fatigue or not, the commitment of the Trillion Peso March is to provide a space, because the crisis we’re going through is still bad,” dagdag pa nito.

Inaasahan ni Aquino-Dee na nasa 20,000 hanggang 30,000 indibidwal ang dadalo sa Miyerkules.

“We’re prepared for a smaller or larger count, either way.”

Hindi katulad ng dalawang malalaking kilos-protesta noong nakaraang taon na isinagawa ng araw ng Linggo, ang ikatlong leg nito ay tumapat ng Miyerkules at hindi isang holiday.

Matatandaan na noong 2023 ay inalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Edsa People Power Revolution anniversary bilang public holiday. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here