Home TOP STORIES Orion spacecraft, nagkaaberya; toilet, barado

Orion spacecraft, nagkaaberya; toilet, barado

116
0

HOUSTON, Texas – Matapos ang matagumpay na pag-ikot ng Orion spacecraft ng NASA sa Buwan, nagkaroon ito ng problema pabalik sa ating Mundo, nang ang $23 million na toilet nito ay magbara.

Ayon sa NASA, ang sistema ng pag-flush ng wastewater papunta sa kalawakan ay nagka-malfunction, at pinaniniwalaang sanhi nito ay chemical reaction sa urine treatment system. Gayunman, gumagana pa rin ang fecal disposal system sa hiwalay na linya.

Sinabi ng astronaut na si Christina Koch na ang Universal Waste Management System ay naglalabas ng “a burning heater smell.” Naayos umano ang ilang setting matapos i-restart sa tulong ng mission control, ngunit muling lumitaw ang problema at hindi pa rin ma-flush ang wastewater palabas ng spacecraft.

Ayon kay flight director Rick Henfling, “The toilet remains operational. The challenge that we’re working through is evacuating the wastewater tank,” at kailangan munang gumamit ng alternatibong paraan. Dagdag niya, “So we’re having to fall back to some other alternate means.”

Dahil dito, gumagamit ang apat na astronaut ng “collapsible contingency urine disposal devices” bilang pansamantalang solusyon.

Ayon kay Koch, “I’m proud to call myself a space plumber,” at tinawag niyang napakahalagang bahagi ng spacecraft ang toilet.

Lumabas ang isyu ilang oras matapos ang paglulunsad mula Cape Canaveral, Florida. Una itong inakalang dahil sa pagyeyelo, ngunit sinabi ng NASA na hindi ito ice at patuloy ang pagbara kahit pinainitan at inikot ang spacecraft para ma-expose sa araw.

Ayon sa ulat, ang problema ay posibleng dulot ng chemical reaction na may kaugnayan sa pag-iwas sa biofilms o microorganisms, na nagdudulot ng bara sa filter.

Sinabi rin ng NASA official na si Lori Glaze, “as soon as we get this down on the ground, we’ll be able to get inside and we will get to the root” ng problema.

Ikinumpara rin ng NASA ang sitwasyon sa Apollo 13 mission noong 1970, kung saan sinabi ng astronaut na si Jack Swigert ang “Houston, we’ve had a problem,” matapos ang oxygen tank explosion.

Inaasahang lalapag ang Orion spacecraft sa Pacific Ocean sa Biyernes habang patuloy na nireresolba ang isyu sa toilet system. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here