Home METRO OT, hazard pay, night differential ng manggagawa protektado ng Ginhawa Bill –...

OT, hazard pay, night differential ng manggagawa protektado ng Ginhawa Bill – Gatchalian

281
0
Naghain si Senator Sherwin Gatchalian ng 10 Priority Bills para sa 20th Congress. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Protektado ng panukalang Ginhawa Bill ang lahat ng bayarin ng employer sa manggagawa tulad ng overtime pay, hazard pay, night differential, holiday pay kabilang ang service charges, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, pangunahing awtor ng panukala, na mananatiling buong makukuha ng manggagawa ang kanilang karagdagang kita mula sa overtime, holiday, at hazard pay, maging ang night differentials, at service charges sa ilalim ng Ginhawa Bill.

Binigyang-diin niya na ang benepisyong ito ay para sa lahat ng manggagawa, minimum wage-earner man o higit pa.

“Sa hirap ng buhay ngayon, gusto nating gumaan ang pamumuhay na  hindi lang ng mga low-income earners kundi pati ng mga middle-income earners,” pahayag ni Gatchalian.

Dagdag pa niya, “Layunin ng panukalang batas na GINHAWA na gumaan ang pasaning buwis ng ordinaryong manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pag-e-exempt sa income tax ng overtime, holiday, at hazard pay, night differentials, at service charges.

Malaking tulong ito sa kanila upang makayanan ang tumataas na gastusin sa pamumuhay.”

Bilang ‘boses ng taxpayers,’ ipinaliwanag ni Gatchalian.

“Ang panukalang batas na GINHAWA ay epektibong katumbas ng karagdagang sahod nang hindi nagpapataw ng karagdagang pasanin sa mga employer,” giit ng senador.

Inaasahang makikinabang sa GINHAWA ang mga unipormadong tauhan, tulad ng pulis at sundalo, at health worker na karaniwang tumatanggap ng hazard pay.

Sakop din nito ang mga empleyado ng BPO at iba pang nagtatrabaho sa night shift.

Sakop din ang mga kawani sa industriya ng serbisyo tulad halimbawa ng hairdresser, fitness trainer, at food server na karaniwang kumikita mula sa service charges. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here