Home OPINION OTBT OPS VS ERRING DRIVERS SA MALABON

OTBT OPS VS ERRING DRIVERS SA MALABON

138
0

ANG ‘one-time-big-time operation’ ay isang anti-crime strategy ng Philippine National Police na napatunayang  epektibo sa kanilang giyera kontra lawless elements.

At ang ganitong  metodolohiya o paraan ng mga pulis ay hindi lang nakatuon sa mga halang ang kaluluwa kundi ginagamit na din laban sa mga pasaway na motorista.

May mga naisulat na akong OTBT operations ng iba’t ibang sangay ng PNP ngunit hindi tungkol sa OTBT sa erring drivers na nalaman ko lamang sa ating kaibigang si retired PCol. Rey Medina.

Si Medina, hepe ng Malabon City Public Safety and Traffic  Management Office, ay dating nakatalaga sa Quezon City Police District na ang maningning na police career bilang sikreta at imbestigador ay nasaksihan ng Chokepoint.

Ginawa noong Setyembre 12 sa Malabon City, ang OTBT ay joint operation ng PSTMO, Northern Highway Patrol Group, Malabon City Police Station at  Metro Manila Development Authority.

Layon ng naturang OTBT operation na dakpin ang mga driver na lumalabag sa Republic Act 4136 (traffic violation) at Presidential Decree 96 o gumagamit ng sirens, bells, horns at iba pang ipinagbabawal na gadgets at traffic paraphernalia.

Sa ilalim ng superbisyon ni Medina at NHPG chief PMaj. Cristina Matias, ang operasyon ay nagresulta sa pagkahuli ng 136 drayber na inisyuhan ng  Ordinance Violation Receipts dahil sa iba’t ibang paglabag.

Dalawang motorsiklo ay na-impound dahil walang maipakitang rehistro ang mga may-ari  nito at isang blinker ang kinumpiska dahil sa paglabag ng PD 96, ayon kay Medina.

Sa kasalukuyang panahon na napakaraming pasaway na drivers na binabalewala ang traffic laws,  dapat ay  gawing regular ang OTBT operations sa lahat ng kalsada sa buong Kamaynilaan.

Dahil baka sa estratehiyang ito na naging matagumpay kontra lawless elements ay magsilbing daan tungo sa ikabubuti ng matagal nang pinoproblemang trapiko sa Metro Manila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here