Home NATIONWIDE Outgoing Sen. Villar pinadidiskwalipika sa Comelec

Outgoing Sen. Villar pinadidiskwalipika sa Comelec

290
0

MANILA, Philippines- Nahaharap sa disqualification si outgoing Sen.Cynthia Villar dahil sa umano’y vote-buying at iba pang paglabag sa Omnibus Election Code and Commission on Elections (Comelec) Resolution No.11104.

Sa walong pahinang petition na inihain sa Comelec-Las Pinas City, inakusahan ni Councilor Marck Anthony Santos ang senador ng malawakang distribusyon ng cash at ayuda kapalit ng boto.

“It was picturesque indeed. The seasoned politician spoke in a crowd-filled venue. Behind Villar, people que to fill-up forms, submit documents, and receive cash,” sabi ni Santos, sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Zardi Abellera.

Sinabi ni Abellera na ang presenya at partisipasyon ng kandidato ay hindi lamang nagkataon. Nakipagkamay umano ang kandidato sa mga benipisyaryo at nagtalumpati habang ang distribusyon ng ayuda ay nagpatuloy. Partikular na nangyari umano ang pangangampanya noong April 23 at 24, 2025 sa mga senior citizens na residente ng Las Pinas.

Noong Abril 23, 2025, partikular na binanggit na namahagi umano si Villar ng mga form sa karapatan ng mga benepisyaryo sa PhilHealth, malinaw na isang hindi direktang pagbibigay ng materyal na konsiderasyon upang impluwensyahan, hikayatin o sirain ang mga botante – at sa mas masamang anyo nito, sa pamamagitan ng umano’y pag-abuso sa state resources.

Sa pagbanggit sa desisyon ng Korte Suprema, sinabi ni Abellera na ang public funds ay dapat “insulated” mula sa mga aktibdad na political partisan activities at ang gawain ng gobyerno ay hindi dapat gamitin para sa electioneering.

Isinaalang-alang ang dalawang insidenteng ito, umapela si Abellera sa Comelec na idiskwalipika ang senador mula sa pagpapatuloy bilang kandidato sa May 12 midterm elections para sa posisyon bilang kinatawan ng House of Representatives para sa lone district ng Las Pinas City.

“In the most remote possibility that Villar receives the highest number of votes, it is respectfully prayed that her proclamation be suspended,” apela ni Abellera sa poll body.

Idinagdag ni Abellera na kailangang madiskwalipika si Villar bilang kandidato para sa umano’y napakalinaw at maliwanag na paglabag sa batas, upang maging halimbawa sa mga kandidatong maaaring magkatulad ang pag-iisip.

Si Villar, isa sa pinakamayamang mambabatas sa bansa, ay tinatapos ang kanyang ikalawang sunod na termino sa Senado at hinahangad na palitan ang kanyang anak na si Camille Villar bilang kinatawan ng Las Piñas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here