Home HOME BANNER STORY #WalangPasok sa Mayo 12, araw ng halalan sa bansa

#WalangPasok sa Mayo 12, araw ng halalan sa bansa

0
#WalangPasok sa Mayo 12, araw ng halalan sa bansa

MANILA, Philippines- Opisyal nang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang May 12, araw ng halalan.

Nakasaad sa Proclamation No. 878, layon nito na bigyang-daan ang mga tao na gamitin nang maayos ang kanilang karapatang bumoto.

Si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang nagbigay ng kopya ng proklamasyon na pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, may pahintulot na rin ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, hiniling na ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara bilang holiday ang araw ng halalan sa May 12.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ito ay upang magkaroon ng pagkakataon ang publiko na makaboto sa midterm elections.

Marami kasi aniyang may pasok sa mismong araw ng eleksyon kaya makatutulong kung idedeklara itong holiday.

Ayon kay Garcia, kailangang maglabas ng opisyal na proklamasyon ng Malacañang na nagdedeklarang holiday sa May 12. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here