Home NATIONWIDE Overseas Pinoys nag-enroll sa online voting system para sa Eleksyon 2025

Overseas Pinoys nag-enroll sa online voting system para sa Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Naipasok na sa Commission on Elections (Comelec) system ang unang Filipino overseas voter para sa kauna-unahang internet voting na gagamitin sa May 12 elections.

Bagama’t maaring gamitin ng mga botante ang kanilang cell phones o laptops, naglagay pa rin ang mga embahada at consultansies sa 77 post sa buong mundo ng kiosks upang tulungan ang mga buntis at person with disabilities at senior citizens na hindi pamilyar sa paggamit ng internet.

Ayon kay Comelec spokepserson Director John Rex Laudiangco, nasa mahigit 1.6 milyon ang registered overseas voters, ngunit 36% lamang o mahigit 600,000 ang nakaboto noong nakaraang halalan.

Layon naman ng poll body ang 85 percet voter turnout sa pamamagitan ng bagong online voting system na inaasahang mapakikinabangan ng overseas Filipino worker (OFWs) tulad ng mga seafarer na madalas lumipat ng lugar dahil sa trabaho.

Samantala, pinalawak ng Philippine Consulate sa New York ang kanilang information dissemination campaign upang hikayatain ang mga registered voters na mag-enroll at i-exercise ang kanilang karapatang bumoto.

Itinakda ng Konsulado ng Pilipinas sa New York ang Abril 11 bilang huling araw para sa pag-lockdown at pag-seal ng mga election materials.

Opisyal na magsisimula ang online voting sa Abril 13 at magpapatuloy hanggang alas-7 ng gabi, oras sa Pilipinas, sa May 12. Jocelyn Tabangcura-Domenden