Home NATIONWIDE Overseas voting nagsimula na – Comelec

Overseas voting nagsimula na – Comelec

MANILA, Philippines – Sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) noong Linggo ang isang buwang panahon ng pagboto para sa 2025 midterm elections para sa mga rehistradong Filipino overseas voters.

Nagsimula ang opisyal na overseas voting period alas-8 ng umaga (local time) nitong Linggo, Abril 13.

Ito ay tatakbo hanggang alas-7 ng gabi ng Mayo 12, kasabay ng pagtatapos ng panahon ng pagboto sa Pilipinas.

Ayon sa Comelec, isinara ang test voting para sa mga rehistradong overseas voters na naka-enroll sa Online Voting and Counting System noong Sabado, Abril 12, sa ganap na 11:59 ng gabi (Philippine Standard Time).

Kasunod ng pagsasara ng test voting period, nagsimula ang opisyal na overseas voting period.

Sinabi ng Comelec na ang mga rehistradong Filipino voters sa lugar sa new Zealand sa ilalim ng hurisdiksyon ng Wellington Philippine Embassy ay ang unang nakapaghayag ng kanilang karapatan bumoto, alas-4 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Sinundan o susundan ng mga bansang:

Australia and Guam (6:00 a.m. PST);

Japan and Korea (7:00 a.m. PST);

Brunei, Hong Kong, Malaysia, Macau, Indonesia, Taiwan, and Singapore (8:00 a.m. PST);

Thailand, Vietnam, at Indonesia (9:00 a.m. PST);

Bangladesh (10:00 a.m. PST); India (10:30 a.m. PST);

Pakistan (11:00 a.m. PST); United Arab Emirates at Oman (12:00 p.m. PST);

Greece, Jordan, Qatar, Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, Kenya, at Israel (1:00 p.m. PST);

Spain, Germany, Switzerland, Belgium, Romania, Denmark, Italy, Norway, France, Czech Republic, Rome, Sweden, The Netherlands, The Vatican, Poland, Egypt, at South Africa (2:00 p.m. PST);

Portugal, United Kingdom, at Morocco (3:00 p.m. PST); Brazil at Argentina (7:00 p.m. PST);

New York; Ottawa at Toronto, Canada; at Chile (8:00 p.m. PST); Chicago at Houston (9:00 p.m. PST);

Mexico (10:00 p.m. PST);

Los Angeles, San Francisco, Washington D.C.; at Vancouver, Canada (11:00 p.m. PST); at

Honolulu (2:00 a.m., Abril 14, PST).

Nauna nang sinabi ni Garcia na mayroong 1.231 milyong botanteng Pilipino sa ibang bansa.

Ngunit noong Biyernes, Abril 11, sinabi ng poll chief na 48,000 overseas Filipino voters pa lamang ang naka-enrol sa pre-voting enrollment system para sa 2025 polls.

Ang mga rehistradong Filipino overseas voters ay maaari pa ring mag-sign up para sa pre-voting enrollment para sa internet voting hanggang Mayo 7 sa pamamagitan ng pagbisita sa link na ito: https://ov.comelec.gov.ph/enroll.

Sa mga nakaraang halalan na may 1.697 milyong mga botante sa ibang bansa, sinabi ni Garcia na nasa 40.59% ang voter turnout, na siyang pinakamataas sa kasaysayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden