MANILA, Philippines – Busy sa paghahanda sa aktibidad para sa anibersaryo ng Office of the Vice President ang mga opisyal na ipinatawag ng Kamara sa pagdinig kaugnay sa umano’y maling paggamit ng pondo ng opisina nito.
Matatandaan na hindi nakadalo sa pagdinig ng Kamara ang apat na executives ng OVP.
“Doon sa mga hindi naka-attend, may tatlo doon na hindi naka-attend dahil sa activities ng OVP anniversary,” pagbabahagi ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Nobyembre 11.
“Marami sa mga personnel na nasa central office nagpunta sa satellite offices dahil ang lahat ng satellite offices meron silang thanksgiving, ibat-ibang activities ng thanksgiving,” dagdag pa niya.
Aniya, magdiriwang ng ika-89 anibersaryo ang OVP sa Nobyembre 15.
Naniniwala ang mga mambabatas na malaking tulong sana ang apat na indibidwal na paulit-ulit na hindi dumalo, para sa imbestigasyon ng panel. RNT/JGC