MANILA, Philippines -TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga typhoon-weary Filipino na ‘fully mobilized’ ang local at national government para protektahan ang kanilang kaligtasan at kapakanan.
Sa sidelines ng Seatrade Cruise (STC) Asia 2024 Welcome Reception sa Parañaque City, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang government response teams ay ‘on the ground’, nililinis ang mga kalsada at naghahanda para maghatid ng tulong sa mas higit na kinakailangan.
“Kahit na may bagyo, kahit na malakas ang hangin nasa labas sila dahil kaya pa naman. Kaya pa naman daw. They can still work to clear trees that fell. ‘Yung mga poste na nahulog para may daanan ang mga relief goods natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa nito na ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay naka-monitor sa Severe Tropical Storm Nika, na humina subalit patuloy na nakaaapekto sa Ilocos Sur at kalapit lugar nito.
“The government has prepositioned equipment and relief supplies, ready to respond as soon as conditions allow,” ang winika ni Pangulong Marcos sabay sabing “We are now monitoring what’s happening.”
“We’ve done the usual standard procedure where we have sent, prepositioned our equipment and our relief goods. And we will just have to see where the areas are that will be particularly hit,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na ang lahat ng kaugnay na ahensiya “continue to prepare” para sa dalawang iba pang inaasahang bagyo, inihahanda ang lahat ng remedyo upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino.
Tinitingnan din ng gobyerno ayon sa Pangulo ang mga pinsala sanhi ng mga bagyo upang masiguro ang kagyat na tulong.
Nanawagan naman ang Chief Executive sa mga mamamayang filipino na makinig sa LGUs.
“As soon as the government can come in, we will come in. Your local government is there – is ready to be the first responders as they always are and the national government will come in as soon as we can,” he said.
“In fact, we’re already there and they’re just waiting for the storm to allow them to get to work,” aniya pa rin. Kris Jose