MANILA, Philippines – Isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) ang naaresto makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si alyas Norjannah, residente ng Brgy. San Manuel ng nasabing lungsod.
Sa report ng pulisya, bandang alas-8:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Dasmariñas CPS sa lugar kung saan naaresto ang suspek.
Nakumpiska rito ang humigit-kumulang 53 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P340,000.00, at buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang suspek na nasa kustodiya ng Dasmariñas CPS. Margie Bautista