Home HOME BANNER STORY P1.07-B pananim winasak ni ‘Goring’

P1.07-B pananim winasak ni ‘Goring’

MANILA, Philippines – Umabot na sa P1.07 bilyon ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa mga pananim at iba pang produktong agrikultura dahil sa habagat na pinalakas ng Super Typhoon Goring, sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes.

“The damage and losses brought by ‘Goring’ have increased from PHP898.4 million to PHP1.07 billion with a volume of production loss of 46,811 metric tons, affecting 42,333 hectares of agricultural land and 31,060 farmers.” ayon sa bulleting ng DA-Disaster Risk Reduction Management (DA-DRRM).

“The increase is due to the updated reports from Calabarzon (Region IV-A) and Western Visayas (Region VI) and the additional report from Mimaropa (Region IV-B),” dagdag pa sa abiso.

Kabilang sa mga apektadong bilihin ang palay, mais, high value crops, livestock at poultry.

Sinabi ng DA na ang magagamit na mga interbensyon para sa mga apektadong magsasaka ay kinabibilangan ng P100 milyong halaga ng palay, mais at sari-saring buto ng gulay; mga gamot at biologic para sa mga alagang hayop at manok; survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na may loanable amount na hanggang PHP25,000 na babayaran sa loob ng tatlong taon sa zero interest; at Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. RNT