Home METRO P1.2-M marijuana winasak sa Benguet

P1.2-M marijuana winasak sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Winasak ng pulisya ang tanim na marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 milyon sa mga operasyong ikinasa sa bayan ng Kibungan at Bakun sa lalawigan ng Benguet nitong Abril 9.

Nadiskubre ng Benguet Police Provincial Office, sa tulong ng Police Regional Office Cordillera-Regional Intelligence Division at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, ang 3,000 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P600,000 sa isang plantasyon sa Sitio Bana, Barangay Tacadang, Kibungan.

Natagpuan din nila ang 3,000 FGMJP na nagkakahalaga ng P600,000 sa Sitio Talo-an, Barangay Tacadang. Apat-daang dalawampung FGMJP na nagkakahalaga ng P84,000 ang natuklasan sa Sitio Anito, Barangay Kayapa, Bakun. RNT