Home METRO Parak tigok sa durugista; suspek patay din matapos manlaban

Parak tigok sa durugista; suspek patay din matapos manlaban

ILOILO – Patay ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng isang drug suspect na kaniyang minamanmanan sa Pototan, Iloilo, habang nasawi rin ang suspek matapos na umano’y manlaban sa ikinasang pursuit operation.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Corporal Reo Manero, na galing sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO) bago nadestino sa Pototan Police.

Kinilala naman ng awtoridad ang minamanmanan ni Manero na drug suspect na si Michael Solis.

Base sa imbestigasyon, napasok ni Manero ang compound ng bahay ni Solis at doon na pinagbabaril ang biktima. Nagawa pa siyang maisugod sa ospital pero binawian na rin ng buhay.

Matapos ang krimen, agad tumakas si Solis pero nagawa siyang matunton ng pulisya sa kalapit na bayan ng Barotac Nuevo kaya isinagawa ang hot pursuit operation.

Agad umanong nagpaputok si Solis nang matunton ng mga pulis kung saan isang kabaro ang sugatan at tinamaan sa balikat.

Gumanti naman ng putok ang awtodidad matapos na subukang tumakas ni Solis. RNT