Home METRO P1.2M tsongki nasamsam sa estudyanteng tulak

P1.2M tsongki nasamsam sa estudyanteng tulak

QUEZON, Isabela- Huli sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot o pinatuyong dahon ng marijuanan na nagkakahalaga ng halos P1.2 milyon ang isang estudyante na tinaguriang High Value Target o HVT sa National Highway P6 Brgy. Quezon, Isabela.

Sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay nahulog sa bitag sa isinagawang drug buy-bust operation ang suspek na si Krinkkle Dulliyao, 21-anyos na residente ng Purok 7, Brgy. Agbannawag, Tabuk City, Kalinga.

Sa matagumpay na operasyon ng mga kapulisan ay nagresulta ito sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakasamsam ng isang kahon na naglalaman ng pitong piraso ng plastic na hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at tinatayang may bigat na 10 kilo na may katumbas na halagang P1,200,000; isang piraso ng P500 (boodle money); 100 piraso ng P1,000; 49 na piraso ng P500 (boodle money); isang unit ng motorsiklo Honda XRM black at isang unit ng cellphone Oppo A18 black.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Quezon Police Station ang suspek habang inihahanda na ang kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

Previous articleNoKor naglunsad ng ballistic missile kasabay ng democracy conference sa SoKor
Next articlePH mamumuno sa anti-piracy, armed robbery regional body sa Asya ‘gang 2027