Home NATIONWIDE PH mamumuno sa anti-piracy, armed robbery regional body sa Asya ‘gang 2027

PH mamumuno sa anti-piracy, armed robbery regional body sa Asya ‘gang 2027

MANILA, Philippines- Muling napili ang Pilipinas upang pamunuan ang isang regional body na lumalaban sa piracy at armed robbery sa mga barko sa Asya, sa ika-anim na magkasunod na taon.

Kasunod ito ng muling pagkakahalal bilang chairperson ng Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery against Ships in Asia (ReCAAP) Information Sharing Centre (ISC) Governing Council ni Admiral Ronnie Gil Gavan, commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Naganap ang halaan sa pulong ng grupo sa Singapore noong Marso 14.

Binigyan-diin ni Gavan ang kahalagahan ng pagpigil sa piracy, armed robbery gayundin ang maritime kidnapping dahil 80 porsyento umano ng lahat ng kalakal sa buong mundo ay dumaraan sa dagat.

Ipinaliwanag ni Gavan na tumataas ang maritime insurance sa shipping at transport industry kapag maraming kaso ng piracy, kidnapping at robbery na nakaaapekto sa bulsa ng ship owners at merchants.

Ayon pa sa opisyal, kapag tumaas ang insurance, tataas din ang cost of shipping at presyo ng mga bilihin at kapag natugunan ang piracy, armed robbery at kidnapping sa dagat, gaganda ang ekonomiya ng mga contracting country at kanilang mga tao, kasama na ang Pilipinas.

Magsisilbi sa kanyang pangalawang termino si Gavan mula Abril 1, 2024 hanggang Mayo 30, 2027. Nailuklok siya ang bilang chairman pagkatapos magreretiro ni dating PCG chief Artemio Abu noong 2023, na nahalal bilang chairperson ng council para sa tatlong taong termino noong 2021.

Naupo rin sa pwesto ang mga nangungunang pinuno ng PCG sa parehong posisyon mula noong 2018.

Sinabi ni Gavan na sa kanyang pagkakahalal ay binibigyang-diin ang pamumuno ng PCG sa isang iginagalang na international platform at ipinakita ang pangako ng Pilipinas sa maritime security at kooperasyon.

Sa ngayon, mayroong 21 contracting countries ang Re-CAAP kabilang ang Australia, Bangladesh, Brunei Darussalam, Cambodia, China, Denmark, Germany, India, Japan, Lao People’s Democratic Republic, Myanmar, the Netherlands, Norway, Philippines, Singapore, South Korea, Sri lanka, Thailand, United Kingdom, United States of America at Vietnam. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP1.2M tsongki nasamsam sa estudyanteng tulak
Next articleMasiglang turismo ngayong 2024 ginarantiya