Home NATIONWIDE Masiglang turismo ngayong 2024 ginarantiya

Masiglang turismo ngayong 2024 ginarantiya

MANILA, Philippines- Kumpiyansa si Quezon City Rep. Marvin Rillo na buhay na buhay ang turismo ng Pilipinas ngayong 2024 kasunod ng pagtaas muli ng bilang ng turista mula China na bumibisita sa Pilipinas.

Ayon kay Rillo, bagama’t may hindi pagkakasundo ang China at Pilipinas sa West Philippine Sea ay hindi naman ito dapat maging isyu pagdating sa turismo. Sa halip, aniya, dapat maging aktibo ang Department of Tourism para makapaghikayat pa ng Chinese tourists.

“We need the number of Chinese travelers to return to their pre-pandemic levels to sustain the full recovery of our highly labor-intensive tourism enterprises. In order to showcase our tourist attractions and lure more Chinese travelers, we would urge the DOT to send delegations of Philippine travel, tour, hotel, and resort operators to China,” giit ni Rillo.

Nabatid noong 2019, bago tumama ang pandemic, ang China ang ikalawa sa pinakamalaking supplier ng foreign visitors sa bansa, habang una naman ang South Korea.

Ngayong 2024, base sa datos ng DOT, ang China ang ikatlo sa pinamalaking source ng foreign visitor ng bansa, una rito ang South Korea at ikalawa ang Estados Unidos.

Sa unang dalawang buwan ng 2024 ay tumaas ng 235 porsyento o nasa 82,314 ang bumisitang Chinese tourist sa bansa.

“The surge in Chinese tourist arrivals in the Philippines in the first two months of 2024 is very encouraging, and we hope that the uptrend will keep going in the months ahead,” wika ni Rillo.

Giit ni Rillo na siyang vice chairperson ng House Committee on Tourism, kapag buhay ang turismo ay nangangahulugan ito ng masiglang ekonomiya at dagdag na trabaho. Gail Mendoza

Previous articlePH mamumuno sa anti-piracy, armed robbery regional body sa Asya ‘gang 2027
Next article3 MWP timbog sa hiwalay na anti-criminality ops