Home METRO P1.3M droga nasamsam sa bigtime tulak sa Laguna

P1.3M droga nasamsam sa bigtime tulak sa Laguna

LAGUNA – Arestado ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga na kinilala sa alyas na Marvin sa Barangay Wawa, Siniloan, Laguna sa isinagawang buy-bust operation ng Siniloan PNP.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 200 gramo ng hinihinalang Shabu, na tinatayang nasa P1,360,000.

Kasalukuyang nakakulong sa Siniloan Police Station ang suspek na nasa hustong gulang na residente ng lugar at nahaharap sa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Nakalista rin siya sa mga high-value na indibidwal sa mga talaan ng pulisya.

Naganap ang operasyon alas-5:42 ng hapon, ayon sa ulat ni PCol Ricardo Dalmacia, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4-A (Cakabarzon).

Narekober mula sa suspek ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet at dalawang knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal substance. Nasamsam din ang marked money na ginamit ng undercover na pulis na nagpanggap na buyer. Ellen Apostol