Home NATIONWIDE P100K pabuya alok palit-impormasyon sa pumatay sa bumbero sa Ilocos

P100K pabuya alok palit-impormasyon sa pumatay sa bumbero sa Ilocos

MANILA, Philippines – Nag-alok ng P100,000 reward ang pamilya ni Senior Fire Officer 1 Anthony T. Manuel, miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na binaril sa Vigan City, Ilocos Sur, noong Disyembre 29, para sa anumang impormasyon na hahantong sa pagkakakilanlan ng suspek at utak sa likod ng pagpatay.

Papunta sana sa trabaho si Manuel, 40, sakay ng motorsiklo nang lapitan siya ng hindi pa nakikilalang lalaki at pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Pantay Daya. Agad siyang isinugod sa ospital ngunit idineklara itong patay dahil sa maraming tama ng bala.

Wala pang makabuluhang progreso ang pulisya sa imbestigasyon. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala at isang bala, na bahagi na ngayon ng isinasagawang imbestigasyon.

Ang alok ng gantimpala ng pamilya ay naglalayong hikayatin ang mga saksi o sinumang may kaugnay na impormasyon na lumapit upang tumulong sa paglutas ng kaso. RNT