Home METRO P1.3M shabu nasabat sa 3 nalambat na HVI sa Taguig buy-bust ops

P1.3M shabu nasabat sa 3 nalambat na HVI sa Taguig buy-bust ops

208
0

MANILA, Philippines- Nasakote sa ikinasang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) ang tatlong high value targets (HVIs) na nakumiskahan ng mahigit P1,300,000 halaga ng shabu Biyernes ng gabi, Mayo 9.

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Joseph Arguelles ang mga nadakip na suspek na sina alyas Rafael, 24; alyas Arjay, 27; at isang alyas Felix, 35, pawang mga residente ng Brgy. Napindan, Taguig City.

Base sa report na natanggap ni Arguelles, nangyari ang pagdakip sa mga suspek bandang alas-9:25 ng gabi sa tapat ng isang grocery store na matatagpuan sa kahabaan ng Labao Street Brgy. Napindan, Taguig City.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000; brown envelope; pulang eco bag; Android phone; at ang P1,000 na kasama ang 59 piraso ng tig-P1,000 bogus money na ginamit sa operasyon.

Ayon kay Arguelles, ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa laboratory examination.

Kasalukuyang nakapiit sa DDEU custodial facility ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Arguelles na ang patuloy na pagsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ay bunsod sa kautusan o direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/Maj. Gen. Anthony A. Aberin.

“This operation is part of our focused anti-drug campaign in Southern Metro. We will continue to carry out operations to dismantle drug networks and hold offenders accountable to protect our communities,” ani pa Arguelles. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here