Home METRO P1.3M shabu nasabat sa buy-bust

P1.3M shabu nasabat sa buy-bust

MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga pulis ng P1 milyong halaga ng shabu at naaresto naman ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Taguig City noong Hunyo 8. 

Nagsagawa ang mga operatiba ng Taguig Police Drug Enforcement Unit at Substation 9 ng operasyon ng alas-8:40 ng umaga sa Barangay Wawa.

Nadakip sa operasyon ang suspek na kinilalang si alyas Otchok, 40. 

Nasamsam din ng mga pulis ang walong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 190 gramo at nagkakahalaga ng P1.29 milyon, isang ignition coil box, buy-bust money na binubuo ng isang genuine P1,000 bill bukod sa 39 piraso ng P1,000 counterfeit money, at timbangan.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). RNT/SA