Home NATIONWIDE P1.4-B spending sa unang quarter ng taon target ng DOF para sa...

P1.4-B spending sa unang quarter ng taon target ng DOF para sa economic recovery

195
0

MANILA, Philippines – Plano ng pamahalaan na gumastos ng P1.4 bilyon sa unang quarter ng 2026 para suportahan ang economic recovery, ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go nitong Biyernes, Enero 30.

“It’s P1.4 billion for primary spending for the first quarter,” sinabi ni Go matapos ang meeting kasama ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para pag-usapan ang expenditure plan.

Ang primary spending ay tumutukoy sa total expenditure para sa partikular na panahon, hindi kasama ang bayad para sa government liabilities.

Ani Go, kabilang sa meeting ang mga opisyal mula sa limang largest spending agencies ngayong taon. Ito ay ang Department of Education, Department of Public Works and Highways, Department of Health, Department of Transportation at Department of Agriculture.

“I’m constantly coordinating with the DBM (Department of Budget and Management) on the release of these funds because we need them to circulate in the economy,” aniya.

Sinabi naman ni acting DBM Secretary Rolando Toledo na plano ng gobyerno na gumastos ng P1.3 trilyon sa infrastructure outlays para sa 2026, at sinabing inadjust ng DBM ang spending target nito mula 5.1 percent patungong 4.3 percent ng gross domestic product ngayong taon.

Sa kabila nito, sinabi ni Toledo na nananatiling committed ang pamahalaan sa pagtutok sa high-impact projects, kabilang ang school buildings, disaster-resilient infrastructure at social services.

Iginiit ng DBM na walang “ghost projects” sa 2026 budget at ito ay fully specified.

Layon din ng pamahalaan na panatilihin ang fiscal deficit sa 4.3 percent ng GDP hanggang 2028 na susuportahan ng disiplinadong paggastos at revenue growth, habang ipananatili ang debt levels sa 58 percent ng GDP o pasok sa sustainable limits.

Ang hakbang ay kasunod ng mabagal na economic growth na 4.4 percent noong 2025, o mas mababa sa 5.7 percent sa sinundang taon.

Para ngayong taon, ang target ay nirebisa sa 5 percent mula 6 percent at para sa 2027 ay nananatili ito sa 5.5 percent hanggang 6.5 percent, ayon sa Development Budget Coordination Committee. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here