Home NATIONWIDE P1.4-M ‘tsongki’, P306-K ‘bato’ nakumpiska sa Ilocos ops

P1.4-M ‘tsongki’, P306-K ‘bato’ nakumpiska sa Ilocos ops

ILOCOS REGION- Nagkakahalaga ng P1,400,000.00 na suspected marijuana at P306,000.00 na suspected shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na police operations sa rehiyong ito nitong Lunes, Hunyo 10.

Base sa inilabas na press release ni Police Lt. Col. Benigno C. Sumawang, Chief ng Regional Police Information Office ng Police Regional Office (PRO) 1, nahuli sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Brgy. Cauplasan, Sta. Maria, Pangasinan kaninang 12:18 AM hanggang 1:14 AM ang dalawang suspek na sina alyas “Kwarog”, 39, magsasaka, regional priority target at alyas “Papar”, 47, welder; kapuwa residente ng Umingan, Pangasinan.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang 45 gramo ng hinihinalang shabu.

Samantala, agad naman nagsagawa ng surveillance kaninang 2:00 ng madaling-araw sa Poblacion-Bilagan Road saBrgy. Poblacion, Santol, La Union ang mga personnel ng Santol Municipal Police Station matapos makatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant na isang kulay black na Motorstar 155 motorcycle na may dalang marijuana sa loob ng yellow sack na nakatali sa bandang likuran nito.

Habang nagsasagawa ng surveillance ang mga otoridad, isang indibiduwal na nag-a-unload ng karga nitong sako ang namataan ng mga pulis ngunit mabilis itong tumakas matapos na maramdaman ang presensya ng mga otoridad.

Nang inspeksyonin ng mga otoridad kung ano ang laman ng sako, nadiskubre nila na ang laman nito ay 12 na plastic trash bags na may kargang mga suspected marijuana dried leaves na pawang nakabalot ng elongated.

Bagamat nakatakas ang suspek ay nakilala naman ito ng mga otoridad kaya patuloy ang ginagawa nilang paghahanap sa suspek.

Pinuri naman ni PBGen. Lou F. Evangelista, PRO1 Regional Director, ang ipinapakitang effort ng kanyang mga personnel para sugpuin ang operasyon ng illegal na droga at hinikayat din niya ang lahat ng mga mamamayan ng Ilocos Region na patuloy lang na makipagtulungan sa mga otoridad.

“I applaud the coordinated efforts of our men in their continued fight against illegal drugs. I also thank the public for reporting illegal activities, which helps our officers in keeping Region 1 a safe homeland. Ituloy-tuloy po natin ang ating nasimulang pagtutulungan,” wika ni Evangelista. Rolando S. Gamoso