Home NATIONWIDE PBBM sa NIA: Mas maraming irrigation assests, tukuyin, pag-aralan

PBBM sa NIA: Mas maraming irrigation assests, tukuyin, pag-aralan

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Irrigation Administration (NIA) na tukuyin at pag-aralan ang mas marami pang irrigation assets sa bansa para makatulong na mapagaan ang pasanin ng lokal na magsasaka.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang inagurasyon ng Cabaruan Solar-Powered Pump Irrigation Project sa Cabaruan SPIP Site sa Barangay Cabaruan sa Quirino, Isabela.

”Inaanyayahan ko rin kayong pag-aralan kung alin pa sa mga irrigation asset natin sa bansa ang maaari nating lagyan ng power generation kagaya rito o iba pang mga pasilidad upang lubos nating mapakinabangan ang mga ito at mabawasan ang gastos na pasanin ng ating mga magsasaka sa pagpapatakbo nito,” ang bahagi talumpati ni Pangulong Marcos.

Sa pamamagitan ng Inisyatiba ng National Irrigation Authority – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), layon ng SPIP na i-maximize ang paggamit ng water resources habang nagbibigay ng napananatili at cost-efficient irrigation services sa mga magsasaka sa Isabela.

Nagkakahalaga ng kabuuang investment cost na P65.77 million, ang proyekto ay binubuo ng pumping station na kinasasangkutan ng 1,056 solar panels na may tinatayang wattage output ng mahigit sa 739,000 watts.

Ang naturang proyekto ay may kakayahan na makapag-produce ng output discharge capacity na 12,800 gallons kada minuto, inaasahang makakapag-suplay sa irigasyon na 350 ektarya ng agricultural land.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang nabanggit na proyekto ay nakikitang makapagbibigay ng suplay ng tubig ng higit sa 350 ektarya ng lupa ng sakahan, makatutulong sa mahigit sa 200 lokal na magsasaka sa lalawigan.”Ang proyektong ito ay maaaring makapagbigay ng tubig sa mahigit 350 ektarya ng sa

kahan na tutulong sa halos 240 magsasaka. Ito na rin ang pinakamalaking solar-powered pump irrigation project sa buong bansa na binubuo ng mahigit 1,000 solar panel,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Kinilala naman ng Pangulo ang naging kontribusyon ng Isabela pagdating sa produksyon ng mais at bigas sa bansa.

”Ang Isabela ang pinakamalaking ambag sa produksyon ng mais at pumapangalawa naman sa produksyon ng palay sa buong bansa. Pag naipatuloy natin itong ating mga project, baka bumalik na naman ang Isabela sa number one,” ayon sa Pangulo. Kris Jose