Home METRO P1.5M droga nasabat ng BOC-NAIA sa Pasay

P1.5M droga nasabat ng BOC-NAIA sa Pasay

MANILA, Philippines – NASA higit P1.5 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Sa isang pahayag, sinabi ni BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa na ang mga iligal na droga ay itinago sa loob ng isang parsela na ipinadala mula California at naka-address sa isang indibidwal sa Taguig City.

Ayon sa BOC, nagsasagawa ng regular na inspeksyon sa CMEC nang madiskubre ang nasa 230 gramo ng iligal na droga sa isang parsel.

Nabatid na itinurn-over na ang nasabing iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para maaresto ang tatanggap ng parsela. Jay Reyes