Home METRO P1.5M huli at gamit, nasamsam sa iligal na pangingisda sa Cebu

P1.5M huli at gamit, nasamsam sa iligal na pangingisda sa Cebu

103
0

MADRIDEJOS, Cebu — Dalawang indibidwal mula Iloilo ang inaresto dahil sa illegal fishing sa municipal waters ng Madridejos noong Abril 18, matapos makumpiska ang mga gamit at huling isda na nagkakahalaga ng mahigit ₱1.53 milyon.

Ang mga suspek na kinilalang boat captain at mechanic ay nahuli sa joint sea operation matapos umanong magsagawa ng ipinagbabawal na trawling sa municipal waters.

Pinangunahan ang operasyon ng Madridejos Municipal Police Station katuwang ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at DENR Bantay-Dagat.

Nakumpiska ang isang blue-and-white trawling vessel na tinatayang ₱1.5 milyon ang halaga, humigit-kumulang 100 kilo ng isda na nagkakahalaga ng ₱30,000, at iba’t ibang illegal fishing gear.

Kabuuang ₱1.53 milyon ang halaga ng nasamsam na kagamitan at huli.

Dinala sa kustodiya ang mga suspek para sa dokumentasyon at tamang proseso, habang ipinasakamay sa Bantay-Dagat ang bangka para sa pag-iingat.

Ayon sa mga awtoridad, bahagi ito ng tuloy-tuloy na operasyon laban sa illegal fishing sa hilagang Cebu, kasunod ng kahalintulad na operasyon sa Bantayan kung saan dalawa rin ang naaresto sa paglabag sa Republic Act 10654. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here