CAVITE- Arestado ang dalawang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng P1.6 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Dasmariñas City.
Nadakip ng mga operatiba ng Dasmariñas Component City Police Station (CCPS) at Philippine Drug Enforcement Agency 4A noong Miyerkules Abril 2, 2025 sa Barangay San Agustin 2 ang isang alyas Alvin.
Nakuha kay Alvin ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,020,000.
Sund namang nahuli sa Barangay Burol Main si alyas Barok at nakuhanan ito ng P646,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Nasa kustodiya ngayon ng Dasmarinas-PNP ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs.
Pinuri naman ni Police Regional Office 4A director Brig. Gen. Paul Kenneth T. Lucas,ang puspusang pagtatrabaho ng operating units sa patuloy na pagsugpo kontra-droga. Mary Anne Sapico