MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Supreme Court Associate Justice Ricardo Rosario na siya ang magsisilbing chairperson para sa 2027 Bar Examinations.
Sa idinaos na oral arguments sa legalidad ng paglipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa national treasury, mismong si Justice Rosario ang nagkumpirma na siya ang mangunguna sa pagsusulit sa law admissions sa 2027.
“What Justice Amy did was indeed a tough act to follow. Kudos also to the other justices who have followed suit. Incidentally, Justice Amy, if I may reveal, is the chairperson of the 2025 bar exams; yours truly is 2027,” sinabi ni Rosario.
Pinuri ni Rosario ang papel ngayon ni Lazaro-Javier bilang 2025 Bar chairperson. Dapat aniyang maghanda ang examinees dahil tiyak na magiging mahigpit at mabusisi ang mga binubuo nito na bar exam questions.
“Ang masasabi ko lang, good luck nalang sa ating mga Bar examinees. They will need it badly kasi kailan nilang mag rosaryo,” dagdag ng mahistrado.
Magugunita na sa idinaos na Bar Exams nitong nakaraang taon, tanging 3,962 lamang mula sa 10,490 examinees ang nakapasa. Teresa Tavares