Home METRO P1.7B lugi sa sektor ng agrikultura sa C. Visayas bunsod ng El...

P1.7B lugi sa sektor ng agrikultura sa C. Visayas bunsod ng El Niño

CEBU CITY, Philippines — Tinatayang nasa P1.7 bilyon ang pagkalugi ng Central Visayas sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon, ayon sa opisyal ng Department of Agriculture dito (DA-7).

Nasira ng El Niño phenomenon ang mga high value crops, palay at corn crops; at maging ang mga may-ari ng hayop ay hindi nakaligtas sa epekto nito, ani Gerry Avila, DA-7 chief ng Field Operations Division, sa isang panayam.

Ang pinsala ng mga pananim na palay ay umabot sa humigit-kumulang P139 milyon, ang mga pananim ng mais ay humigit-kumulang P105 milyon ang pagkawala, at ang mga alagang hayop ay nasa P1.2 milyon.

Ang mga high value crops ang may pinakamalaking pagkalugi na may P1.5 bilyon.

Nilinaw ni Avila na “initial” lamang ang mga datos na kanyang inilahad dahil nasa proseso pa sila ng pag-validate ng impormasyon mula sa bawat lalawigan sa rehiyon.

Aniya, may “possibility” na bababa ang halaga depende sa resulta dahil may mga lugar na nakaranas ng “50 percent” o “75 percent damage.” Sa kanilang “paunang data,” nagdeklara sila ng “100 porsyento” na pagkawala ng pinsala. Santi Celario