MANILA, Philippines – Nasa 250 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1.7 milyon, ang nakumpiska mula sa isang real estate broker sa isang police checkpoint sa Barangay 8, Capangdanan, Pinili, Ilocos Norte nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sa ulat nitong Huwebes, kinilala ng pulisya ang suspek na si Juliet Leaño, 56, ng Barangay Balvuena, bayan ng Pinili, na umano’y bumiyahe mula Metro Manila sakay ng asul na sasakyang Hyundai i10 (ZSK 916).
Sinabi nito na ang mga iligal na droga ay inilagay sa limang transparent plastic sachet, at nasamsam kasunod ng tip na natanggap ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU)/Police Intelligence Unit (PIU).
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nakakulong sa Pinili police station. RNT