Home METRO P1.8M droga narekober sa tulak

P1.8M droga narekober sa tulak

185
0

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P1.8 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska sa isang hinihinalang tulak, makaraang magsagawa ng drug buy-bust operation ang miyembro ng Quezon PDEU kaninang umaga sa Pleasantville Subd. Barangay Ilayang Iyam sa lungsod ng Lucena, Quezon.

Kinilala ang suspek sa alyas na Tortoise, 35, residente ng Barangay Mayao Crossing Lucena, City na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II RA 9165.

Batay sa report ni tanggapan ni PCol Ruben B. Lacuesta, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, dakong alas- 6:15 nitong umaga nang magsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEU Quezon, sa pangunguna ni PCpt Julius Villafuerte, kung saan naaresto ang suspek matapos magpanggap na poseur buyer ang isang miyembro ng PNP na poseur buyer.

Nakumpiska sa pag-iingat umano ng suspek ang pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 90 gramo na may street value na humigit-kumulang sa P1.836,000 at standard drug price na P612,000.

Bukod dito, narekober din sa suspek ang ang isang digital weighing scale, isang pouch na kulay asul at motorsiklo na gamit ng suspek sa pakikipagtransakyon nito, gayundin ang ginamit na marked money ng nagpanggap na poseur buyer.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng determinasyon at maagap na aksyon ng ating kapulisan kontra droga. Makakaasa kayo na ang Quezon Pulis ay patuloy na kikilos sa ating mga komunidad upang linisin ang banta ng iligal na droga,” ayon kay PCol Lacuesta. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here