Home METRO P1.9M shabu nasabat sa Undas

P1.9M shabu nasabat sa Undas

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.9 milyon mula sa tatlong drug suspect sa Dumangas, Iloilo sa mismong Araw ng mga Patay.

Ang mga suspek ay kinilalang sina “Ton-Ton,” “Tata,” at “Errol.”

“The seizure means that 280 grams of shabu is deducted from the supply chain. Magnify its effect, hundreds of individuals using illegal drugs,” pahayag ni Police Brig. Gen. Sidney Villaflor, Police Regional Office-6 chief.

Pinuri naman ni Villaflor ang PRO-6 Regional Drug Enforcement Unit at Dumangas Municipal Police Station sa matagumpay na operasyon sa Barangay Jardin bandang alas-3 ng madaling araw.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/JGC