Home METRO Bagong halal na barangay councilor, itinumba sa NoCot

Bagong halal na barangay councilor, itinumba sa NoCot

MANILA, Philippines – Pinagbabaril-patay ang isang bagong halal na barangay councilor sa Midsayap, North Cotabato nitong Miyerkulesn ng umaga, Nobyembre 1.

Ang biktima ay kinilalang si Suharto Antilino, bagong halal na kagawad ng Barangay Poblacion 3 sa Midsayap, ayon kay Police Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap police.

“Witnesses said there was an argument between Antilino and his cousin before the shooting,” sinabi ni Calinga sa panayam sa radyo.

Ayon pa sa ilang witness, si Antilino, 35-anyos, ay tumakbo pa subalit nahabol ng gunman na nagpaputok ng baril kung kaya’t tinamaan ang biktima sa likod ng ulo nito.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital.

Nakuha sa crime scene ang empty shell ng caliber .45 pistol.

Sinabi ni Calinga na ang pamamaril ay walang kinalaman sa eleksyon, kundi “personal grudge” ng suspek sa biktima. RNT/JGC